10.26.2004

kwarto

maglilinis ako ng aking kwarto na puno ng galit at damit at mga bagay na hindi ko na kailangan...
nakaraang hindi na pwedeng ipagpaliban...
mga liham ng luma kongpag-ibig at litrato ng isang kahapong maligalig...
dahan-dahan kong inipon, ngunit ngayon kelangan ko ng itapon...

di ko na kayang mabuhay pa sa kahapon
kaya mula ngayon, mula ngayon...

may jacket mong nabubulok sa sulok at inaalikabok na sa lungkot...
may panyo ding ilang ulit ng niluhaan..isang patak sa bawat beses na
tayo ay nasasaktan...

alaala ng lumuluhang kahapon
dahan dahan ko na ring kinakahon
natagpuan ko na ang tunay na ligaya
lumabas ako ng kwarto't naron sya...

kaya mula ngayon, magpapaalam na sayo ang aking kwarto...BABAYU!

4 Comments:

At 8:16 AM, Blogger KC said...

"may jacket mong nabubulok sa sulok at inaalikabok na sa lungkot...
may panyo ding ilang ulit ng niluhaan..isang patak sa bawat beses na
tayo ay nasasaktan..."

ok a'... mr. makata contestant #1.

 
At 8:16 AM, Blogger KC said...

"may jacket mong nabubulok sa sulok at inaalikabok na sa lungkot...
may panyo ding ilang ulit ng niluhaan..isang patak sa bawat beses na
tayo ay nasasaktan..."

ok a'... mr. makata contestant #1.

...and the winner for "Linisan Mo Ang Kwarto Mo" is... mr. makata!

 
At 12:05 PM, Blogger Kalowee said...

aus ito. astig itong entry mong to. makatang makata ka chong. bilib ako sau. iwan na ang nkaraan at mabuhay sa kasalukuyan! aus na aus ang ganyang buhay

 
At 5:44 PM, Blogger Cynthia said...

"alaala ng lumuluhang kahapon
dahan dahan ko na ring kinakahon"

galing! :)

 

Post a Comment

<< Home